DAVAO CITY – Ibinunyag ng Philippine Drug Enforcement Unit XI na may mga sampung opisyal ng barangay ang mahigpit na binabantayan ngayon dahil sila ay hinihilalang nasasangkot sa talamak na bentahan ng ilegal na droga habang namumuno at naglilingkod bilang public official.
Ayon sa bagong regional direktor ng pamunuan na si Naravy Duquiatan, nakapokus ngayon ang PDEA XI sa pagpuksa sa ilegal na droga sa upang maideklara bilang drug free ang buong rehiyon.
Ayon sa nakalap na datos, 85 mula sa 162 na mga barangay sa Davao City ang nasasangkot sa illegal drug trade.
Sinisiguro ngayon ng PDEA XI na malaki mang hamon kung maituturing ang pagpapanatili ng drug cleared status ng mga barangay, handa pa rin ang tanggapan sa pagtulong sa paglulunsad ng drug clearing operations upang makamit ang seal of governance.
Isa sa mga nakikitang solusyon ng audit upang maabot nito ay gawing siento porsiento nga drug cleared ang isang barangay.
Aniya, responsibilidad ng bawat opisyal ng isang drug cleared barangay na makipagtulungan sa PDEA kung mayroong matutukoy na newly identified drug personality sa lugar.