Asahan ang bagong lineup ng Chicago Bulls sa susunod na season kasunod ng ginawang rebuilding ng naturang koponan sa pagpasok ng offseason.
Nitong offseason kasi ay tatlong mga batikang player ang umalis mula Chicago.
Una si Alex Caruso na nagtungo sa Oklahoma City Thunder; pangalawa ang midrange jumper specialist na si DeMar DeRozan na na-trade sa Sacramento Kings, at pangatlo ang bigman na si Andre Drummond na nagtungo sa Philadelphia 76ers.
Ang tatlong malalaking players ay pinalitan ng mas batang mga manlalaro tulad nina Josh Giddey, Jalen Smith, at Chris Duarte.
Nagbabalik naman ngayong season ang 2020 No. 4 overall pick na si Patrick Williams matapos siyang pumirma ng contract extension (5-year deal).
Sa pagpasok ng 2024-2025 Season, ang Bulls ay pangungunahan ng mga bago at batikang basketball player na kinabibilangan nina Coby White, Lonzo Ball, Zach LaVine, Nikola Vucevic, at iba pang mga bagitong player.
Sa nakalipas na 2023-2024 season, nasa pang-siyam na pwesto ang Bulls hawak ang 39 – 43 win-loss record.