KORONADAL CITY – Pinangangambahan na isang bagong sibol na local terror group ang nasa likod nang pagsabog sa Carlitos restaurant sa Kalawag II Isulan, Sultan Kudarat kahapon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay alyas Gem, anak ng may-ari ng nasabing restaurant, isinalaysay nito ang mga natatanggap nilang pagbabanta at panggigipit mula sa nagpakilalang miyembro umano ng Al Erhab group.
Bago raw sa pandinig ng mga otoridad ang pangalan ng grupo na ito.
Sinabi ni 6th Infantry Division Philippine Army spokesman Major Arvin Encinas, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa may-ari ng restaurant, lokal na gobyerno ng Isulan at Philippine National Police, kasunod ng insidente.
Sa ngayon hawak na ng mga otoridad ang closed-circuit television camera footage ng pagsabog kung saan nakita ang isang lalaki na sinasabing nag-iwan ng bomba.
Samantala, nasa stable condition na ang 18 mga biktima na pawang naka-confine sa iba’t ibang ospital sa lugar.
Kabilang sa mga isinugod sa Sultan Kudarat Provincial hospital ay ang mga sumusunod:
1.Randy Tranquillero, Galinato Subd.
2.Guiamedel Norhana, Daguma, Bagumbayan, SulKud
3.Datu Joven Guiamedel
4.Tristian Casipe
5.Dan Laguerder
6.Karl Denver Laguerder
7.Bai Amina Japitana, 8, Tayugo, Isulan
8.Cyril Gubal dela Cerna, New Pangasinan, Isulan
8.Watchel dela Cerna, New Pangasinan, Isulan
9.Sylyka Falcoagpet
10.Masunlog Montaser Masunlog
11.Nasser Masunlog
12.Malidas bai Ali Mindal Daguma, Bagumbayan
13.Malidas Midatu Mindal, 13, ng Isulan
14.Johnmark Sumandal
Specialist Center X-ray room
1.Cheche Malidas, 22, Daguma, Bagumbayan
2.Johnny Garcia, 41, Kalawag 1, Isulan
St Louis Hospital, Tacurong City
1.Jenny Pabagaman, Shariff Aguak, Maguindanao