-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Patuloy pang inaalam ng pulisaya ang responsable sa nag-iwan ng isang bagong panganak na baby girl na nakita sa gilid ng kalsada sa Purok-10 ,Barangay Sampaguita ,Veruela Agusan del Sur alas 5:45 sa umaga kahapon.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Butuan, dalawang oras pa lang aniya mula iniluwal ng ina ang nasabing sanggol.

Matapos rin makita ang supling , agarang itong dinala sa Rural Health Unit ng lugar at nabatid na maraming itong kagat ng langgam.

Sa ngayon ang sanggol ang inaalagan na ng DSWD sa lugar.