-- Advertisements --

Umabot na rin sa atensyon ng international community ang pagkaka-aresto kay Rappler CEO Maria Ressa.

Isa na rito ang pop superstar na si Madonna kung saan bahagi ang kwento ni Ressa sa kaniyang bagong music video na pinamagatang “I Rise.”

Tampok din sa nasabing music video ang iba’t ibang social issues tulad ng gun violence sa United States, malawakang protesta ng iba’t ibang LGBT community, pang-aabuso, kalamidad at press freedom.

Parte ang kantang ito sa ika-14 na studio album ng singer na “Madame X.”

Ikinatuwa naman ni Ressa ang pagkakasama niya sa music video.

“Madonna and me? Wow! That’s cool! I watched the video. I think it’s interesting to see what’s happening globally, right?” ani Ressa.