-- Advertisements --

Nangako ang bagong Maritime Industry Authority(MARINA) Administrator ng positibong pagbabago sa kabuuang service delivery ng ahensya.

Sa isang mensahe sinabi ni MARINA Administrator Sonia Malaluan na pangungunahan nito ang mga positibong pagbabago sa serbisyo ng ahensya, competence ng mga empleyado, disiplina, at pamamahalang walang bahid na korupsyon.

Inihayag din ng opisyal ang pagnanais nitong mai-angat ang imahe ng ahensiya sa pamamagitan ng propesyunalismo sa lahat ng mga empleyado nito.

Kasabay nito ay binigyang-halaga naman ng opisyal ang papel ng bawat empleyado, lalong-lalo na ang mga contractual at mga job order personnel.

Ayon kay Malaluan, ang mga JO at contractuals ay bahagi ng naging accomplishment ng ahensya sa mga nakalipas na taon.

Bahagi rin aniya ang mga ito sa pag-abot ng mga misyon ng ahensya at kung papaano mapagbuti pa lalo ang serbisyo nito sa publiko.

Tiniyak din ng opisyal ang competence ng Philippine maritime industry para sa pakikipagsabayan nito sa buong mundo, kasabay ng inisyatiba ng MARINA na mapagbuti ang lahat ng aspeto nito upang makapagbigay ng episyenteng maritime operations.