Nadagdagan pa ang mga kasong hinaharap ng apat na naarestong kawani ng Bureau of Internal Revenue (BIR) matapos mangikil ng higit P160-milyon mula sa isang telecom company.
Nitong araw nang sampahan ng kasong plunder, graft, robbery through intimidation at paglabag sa Revised Penal Code sina Alfredo Pagdilao Jr., chief assessment officer; at chief revenue officer na si Agripina Vallestero.
Damay din sa kaso sina Rufo Ranario at Michelle Dela Torre, na pare-parehong personnel ng BIR Revenue District Office sa Pasig City.
“Nabanggit sila sa affidavit ng complainant tsaka nung agent ng PACC. Kasama silan sa trasanksyon bago yung payment.”
Nitong Biyernes nang maaresto sa entrapment operation ng NBI at Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) sina Pagdilao at Vallestero.
Batay sa ulat, isang hindi pinangalanang telecom company ang nag-reklamo matapos umanong singilin ng mga suspek ng P160-milyon at 10 piraso ng cellphone bilang settlement para sa kanilang tax defeciency na P1.6-bilyon.
Ito ay sa kabila ng pagkakaplantsa umano nila sa gusot ng naturang problema sa buwis.
“Corruption is as deep as the debris and garbage in Manila Bay. In this particular case, almost 10-percent lang pumupunta sa gobyerno (revenue), 90-percent sa kanila.”
Nasampahan na ng kasong plunder, graft and corruption, robbery extortion, at grave misconduct ang apat sa DOJ.
Patuloy namang tinutugis ng mga otoridad sina Dela Torre at Ranario na hindi sumipot sa operasyon.