Pormal nang nanumpa bilang Acting General Manager ng Manila International Airport Authority (MIAA) si Eric Jose Castro Ines, kasunod ng pagkakatalaga sa kaniya ni PBBM noong Disyembre 15.
Nanguna si Executive Secretary Lucas Bersamin sa seremonyang ginanap sa kanyang mismong opisina.
Si Ines ay dating naglingkod bilang airport station manager ng Etihad Airways at Gulf Air sa Manila mula noong Marso 1, 2006 hanggang December 31, 2017, at mula Hulyo 1, 1997 hanggang Pebrero 28, 2006.
Nauna rin siyang nagsilbi bilang Senior Security Officer ng Gulf Air sa Manila at Timog Silangang Asya mula 1988 hanggang 1997.
Dati rin siyang naging trainee para sa airline operations ng naturang kumpanya mula 1986 hanggang 1987.
Pinalitan ni Ines ang dating pinuno ng MIAA na si Cesar Chiong.