-- Advertisements --

Kinoronahan sa Miss Iloilo 2023 pageant ang isang second-year architecture student ng Iloilo Science And Technology University.

Nangibabaw sa 18 kandidata ang ganda at talino ng 19-year old beauty queen na pambato ng Cabatuan, Iloilo na si Raniele Shaine Saulog na siya ring nakakuha ng Best in Theme Costume award.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Raniele, sinabi nito na itutuloy nito ang advocacy para sa emotional and mental wellness.

Labis din ang pasasalamat ng beauty queen sa kanyang pamilya at supporters at hindi rin umano ito nag-expect na makuha ang korona sapagkat hindi siya front-runner, hindi crowd-favorite, at first-timer lang umano sa pageantry.

Samantala…

1st Runner Up naman si Chloei Darl Z. Gabales ng Jaro,Iloilo City
2nd Runner Up – Tracy Lois Bedua ng Barotac Nuevo
3rd Runner Up – Ma. Cristina Isabel N. Tallador ng Pavia
4th Runner Up – Jeraldine B. Quimson ng Mandurriao,Iloilo City

Ngayong araw isasagawa ang sashing ceremony at i-anunsyo kung sino sa Miss Iloilo 2023, first runner-up at second runner-up ang kakatawan sa Iloilo City sa Miss Universe Philippines, Binibining Pilipinas, at Miss World Philippines.

Ang updates sa Dinagyang 2023 ay matutunghayan live sa Bombo Radyo at sa lahat na digital platforms nito.