-- Advertisements --

Ipinasilip ng Miss World Philippines ang bagong korona na mapapanalunan sa nalalapit na pageant.

Sa social media account ng Miss World Philippines, ay makikita ang korona na tinawag na ” Rays of Hope”.

Naglalaman ito ng nasa 400 asul na sapphires at halos 300 na freshwater pearls.

Ang luminous pearls ay nagrerepresenta ng “inner strenght na kumikinang kung saan”.

Habang ang sapphire stones ay sumisimbolo ng “courage and steadfast determination”.

Gaganapin ang coronation night ng Miss World 2024 pageant sa Hulyo 19 sa Mall of Asia Arena.