Dumating na sa Mindanao ang bagong barko ng Phil Navy na magagamit sa mga patrol operations ng Hukbong Katihan – ang BRP Laurence Narag (PG-907).
Ang naturang barko ay gagamitin ng Naval Forces Western Mindanao (NFWM).
Ang pagpapadala ng naturang barko sa Mindanao ay bahagi ng pagpapalakas ng Phil Navy sa presensya nito sa mga katubigan ng rehiyon.
Magagamit ito sa mga maritime security operations sa Western Mindanao katulad ng external defense operations, internal defense operations, at iba pang maritime patrols.
Ang BRP Laurence Narag ay isang Fast Attack Interdiction Craft na gumagamit ng non-line of sight (NLOS) missile system.
Ito ay may habang 32 meters at nakadisensyo sa mga high-speed operations at mabilisang pag-atake
Bago dinala sa Zamboanga, una itong kinumisyon sa noong May 21, 2024 sa Naval Station Jose Andrada sa Maynila.
Nakasabayan nito ang kanyang sister ship na BRP Herminigildo Yurong (PG-906),
Masaya naman itong sinalubong ng mga miyembro ng Phil Navy sa Ensign Majini Pier sa Bagong Calarian, Zamboanga City.