-- Advertisements --

Naglunsad ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) ng mga bagong mobile hotlines para mas maging accessible ang serbisyo nito sa taumbayan matapos na makatanggap ng sandamakmak na reklamo ang ahensya.

Layunin nito na maging convenient para sa publiko ang pagrereport ng kanilang mga reklamo laban sa mga red tape incidents na naranasan sa mga opisina ng gobyerno.

Samantala, sa kabila ng naturang mga reklamo ay positibo pa rin ang pagtuturing dito ni ARTA director general Jeremiah Belgica dahil mas marami aniyang mga Pilipino ang magkakaroon ng kamalayan sa mga serbisyong inihahatid ng ARTA at mas marami rin aniya ang magiging katuwang nito sa pakikipagbaka kontra sa red tape.

Maaaring makipag-ugnayan ang mga indibidwal hinggil sa kanilang mga suliranin at reklamo sa pagkaantala ng proseso ng gobyerno, fixers, bribery, at inefficient government services sa ARTAwag Center sa mga sumusunod na numero:

Para sa Globe at TM users: 0965-672-4943 at 0916-266-3138

Para naman sa mga Smart, TNT, at Sun subscribers: 0969-257-7242 at 0969-516-7765.

Ang naturang mga numero ay maliban pa sa hotline numbers ng ahensiya na 8888 o ang Citizens’ Compalint Center.

Bukas ang linya ng ARTAwag Center mula Lunes hanggang Biyernes, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.