-- Advertisements --
Ipinagmalaki ng Department of Education (DepEd) na mayroong mga pagbabago sa mga kumukuha ng Alternative Learning System (ALS).
Ayon kay DepEd Assistant Secretary GH Ambat, nailunsad na nila ang bagong modules para sa mga mag-aaral ng ALS.
Inaasahan na nasa tatlong milyon mga junior high school ALS students na may edad 15 hanggang 24-anyos ay makikinabang sa mga bagong learning materials.
Ang nasabing mga learning materials aniya ay sumasabay sa 21st century skills na kailangan para sa mga “K to 12” na mag-aaral.
Pagtitiyak din nito na ang mga matututunan nila sa mga learning materials ay magagamit sa kanilang mga magiging trabaho sa hinaharap.