Maituturing na “great blessing” para sa mga Filipinos ang pagtatayo ng bagong National Kidney Transplant Institute Hemodialysis building.
Ito ang inihayag ni Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, chairman of the House appropriations committee.
Sa groundbresking ceremony na isinagawa kahapon, ipinunto ni Rep. Co kung paano makatugon ang 13-storey facility ang isa sa pinaka pressing health isyu sa bansa ang kidney disease.
Inihayag ni Co, na batid nito kung gaano karami sa ating mga kababayan ang nangangailangan ng medical assistance dahil sa kidney problems.
Ang construction ng NKTI’s Hemodialysis Building ay maituturing na major milestone ng bansa sa healthcare infrastructure nito.
Giit ni Co, na malaking biyaya sa mga Filipino ang itatayong pasibilidad na layong pahabain pa ang buhay ng mga Filipinong may sakit sa bato.
Ang nasabing inisyatibo na bahagi ng Legacy Specialty Hospitals ni President Ferdinand Marcos, Jr. at House Speaker Martin Romualdez.
Giit ni Co, hindi tumitigil ang House of Representatives sa pagpasa ng mga batas at paglalaan ng pondo para gawing malusog at maginhawa ang bawat mamamayan.