Kinumpirma ng Commission on Elections na patuloy pa rin ang konstruksyon ng kanilang bagong office building sa Pasay City.
Ayon sa poll body, target ng komisyon na matapos ang pagbuo nito hanggang sa 2028.
Ginawa ni Comelec chairperson George Erwin Garcia ang kumpirmasyon kasabay ng isinagawang groundbreaking ceremony.
Nagkakahalaga ng mahigit P8.2 billion ang naturang proyekto na inaasahang matatapos sa loob ng tatlo at apat na taon.
Paliwanag nio Garcia, ilang dekada ang kanilang hintay para matuloy ang pagtatayo ng bagong building ng komisyon.
Simbolo rin aniya ito ng pagnanais ng Comelec na maging independent constitutional body ng sa gayon ay mapatunayan nito ang pagkakaroon ng karangalan at dignidad.
Target naman na matapos ang foundation ng naturang building sa loob lamang ng lima hanggang anim na buwan at sisimulan ang konstruksyon ng mismong building sa susunod na taon.
Sa kasalukuyan ,ang Comelec ay nagrerenta lamang sa ibat ibang building at palapag sa Palacio del Gobernador sa Intramuros, Manila.