-- Advertisements --

Binuksan na ng Department of Transportation (DOTr) at Manila International Airport Authority (MIAA) ang panibagong lounge area sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ay inilagay sa departure area ng Terminal 3 sa ikatlong lebel ng NAIA.

Ang binuksang bagong pasilidad ay may kumpletong kagamitan na maaaring magamit ng mga OFW na kinabibilangan ng mga komportableng upuan, charging docks, power outlet, at iba pa.

Mayroon din itong information desk na maaaring makapagbigay ng sapat na kasagutan sa mga tanong o concern ng mga OFW ukol sa kanilang magiging flight at iba pang alalahanin habang naghihintay sila rito.

Ang unang OFW lounge ay binuksan sa Terminal 1 anim na buwan na ang nakakalipas. Ang naturang pasilidad ay nagagamit na rin ng mga overseas Filipinos.