-- Advertisements --
image 435

Inanunsyo ng Bureau of Immigration ang pagbubukas ng kanilang bagong opisina sa Cabanatuan City.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco , ang bagong tanggapan ay bahagi ng kanilang patuloy na pangako na ilapit ang mga serbisyo ng immigration sa publiko.

Ito ay matatagpuan sa second floor ng isang kilalang mall sa kahabaan ng Maharlika Highway, sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Inilipat ito mula sa dating lokasyon sa Palayan City, Nueva Ecija.

Paliwanag ni Tansingco , ito ay naglalayong mapabuti ang accessibility at magbigay kaginhawahan sa mga lokal na komunidad.

Dagdag pa ng opisyal , nakatakda silang magbukas ng mga bagong opisina sa bansa sa loob ng taong ito.

Aniya, ang mga hakbang na ito ng kanilang ahensya ay alinsunod sa hangarin ng kanyang administrasyon na buksan ang mga opisina ng BI sa mga mall para sa kaginhawahan ng publiko.