-- Advertisements --
image 196

Inakusahan ng rigging o pandadaya ang bagong owner ng Miss Universe organization na si Anne jakrajutatip, sa pagkapanalo ni Miss Universe 2022 mula sa USA na si R’bonney Gabriel.

Si Anne Jakrajutatip ay transgender;Thai businesswoman at Chief executive officer ng JKN Global group, siya na rin ang bagong may ari ng Miss Universe organization na binili sa halagang $20 million dollar o katumbas ng mahigit sa 1Billion pesos ang halaga ng nasabing organisasyon.

Kung matatandaan, ang naturang pageant ay ginanap sa New Orleans kung kaya ang hinala ng mga fans ay kinontrol ng New CEO ang kompetisyon.

Marami ng mga hinaing ang mga fans kung bakit si R’bonney ang napili dahil kung pagbabasehan daw ang performance, mas maganda umano ang gown maging ang sagot ni Miss Venezuela na si Amanda Dudamel Newman.

Samantala, binigyang diin naman ng bagong CEO ng Miss Universe organization ang kanyang natutunan sa kanyang mga karanasan hanggang siya ay maging succesful ngayon.