-- Advertisements --
Sisimulang ilalabas sa kalagitnaan ng 2022 ang bagong P1,000 na pera na gawa sa polymer o plastic.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), natapos na pumirma na sila ng kontrata sa Reserve Bank of Australia.
Sinabi pa ni BSP Governor Benjamin Diokno na ang Note Printing Australia na subsidiary ng Reserve Bank of Australia ang kanilang kinuha sa paggawa ng bagong polymer banknotes.
Ang Australia kasi ang kauna-unahang bansa na naglabas ng full series ng polymer banknotes na sila rin ang gumagawa at nagsusupply sa ibang bansa.
Dagdag pa ni Diokno na ang mga polymer na pera ay environment-friendly, mura, malinis at mahirap magaya ng mga kriminal.