-- Advertisements --

Inilabas na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang bagong P20 na barya na siyang papalit sa perang papel na ginagamit sa kasalukuyan.

Makikita pa rin sa harap ng P20 coin ang imahe ni dating Pangulong Manuel Quezon, habang sa likod naman ang logo ng BSP at ang Palasyo ng MalacaƱang.

Tampok din sa nasabing barya ang halamang Nilad, kung saan hinango ang pangalan ng lungsod ng Maynila.

Una nang sinabi ng BSP na mas cost-effective ang P20 coin dahil sa mas magtatagal ito sa sirkulasyon.

Maliban sa P20 coin, isinapubliko na rin ang mas pinahusay na bersiyon ng P5 coins na mayroon nang siyam na kanto o hugis nonagon.

Ayon sa BSP, mas mapapadali na ang pagtukoy ng mga consumers sa P1, P5, at P10 coins na inirereklamo dahil sa pare-pareho ang kulay at magkakasinglaki lamang ang sukat.

news 12172019a2.jpg
news 12172019a1.jpg