CENTRAL MINDANAO-Nanguna si Cotabato Governor Nancy Catamco sa pamamahagi ng tulong pinansyal para sa limang (5) rebel returnees.
Katuwang nya sina Provincial Social Welfare Development Head Jocelyn Maceda, at Colonel Potenciano Camba ang Commander ng 1002nd “Bagwis” Brigade.
Sa ilalim ng programang Balik Loob o Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP), nakatanggap ang mga rebelde ng paunang P 65, 000 kada isa.
Ngayong araw naman ay nabigyan ulit sila nag tig P 15,000 bilang Local Government Unit Assistance. Ito ay batay narin sa halaga ng mga armas na isinuko nila sa pamahalaan.
Bukod pa dito, pagkakalooban din ang mga sila ng buwanang tulong sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng Department Of Social Welfare and Development.
Ang mga nasabing rebel returnees ay mula sa Arakan, at sa Batasan at Old Bulatukan ng bayan ng Makilala.