-- Advertisements --
IMG20190715102845
DOJ preliminary investigation vs KAPA officers (file photo by Bombo Jerald Ulep)

BUTUAN CITY – Ibeberipika pa ng National Bureau of Investigation (NBI) Caraga sa Securities and Exchange Commission (SEC) ang modus ng “Jenotech” na sinasabing bagong pangalan umano ngayon ng Kabus Padatoon o KAPA Community Ministry International Incorporated.

Ito’y matapos ipinaabot sa kanilang tanggapan ang umano’y araw-araw na ngayong operasyon ng pinaghihinalaang isa na namang uri ng investment scam na umano’y nagsagawa ng re-entry at revalidation ng kanilang mga miyemro lalo na yaong mga nakapag-pay in na ngunit wala pang natanggap na return of investment.

Ayon kay NBI-Caraga regional director Mario Minor, base sa inisyal na impormasyong kanilang nakuha, religious activity pa lamang ang ginawa ng naturang grupo at hanggang sa ngayon ay wala pa silang natatanggap na reklamong may niloko ito.

Dagdag pa ng opisyal, kanilang aalamin sa SEC kung may permit to operate ba ang nasabing grupo at kung mayroon ba itong secondary permit na siyang magpapatunay na legal ang kanilang patagong isinagawang investment scheme.