Dapat bagong pangalan umano ang mamumuno sa Mababang Kapulungan sa 18th Congress.
Ayon kay Buhay party-list Rep. Lito Atienza, kung siya raw ang papipiliin mas nais niya ng mas batang Speaker na may angking potensyal na mamuno sa Kamara.
Nakikita raw niyang magiging mas bukas at hindi maapektuhan ng mga nangyari sa nakaraan ang susunod na speaker ng Kamara na may bagong pangalan.
Nauna nang sinabi ni PBA Party-list Representative Jericho Nograles na dalawa na lamang ang pinagpipilian ng mga party-list congressmen para sa speakership race.
Ito raw ay sina Marinduque Representative Lord Allan Velasco ay Leyte Representative-elect Martin Romualdez na lamang.
Sinabi ni Atienza na si Romualdez ay kanyang kaibigan, subalit si Velasco raw ay “new name” kung maituturing.
“Romualdez, Marcos, Aquino, tama na muna ‘yan. I want a Juan dela Cruz, I want Reyes, Santos, mga bagong pangalan sa larangan ng pulitika at paghubog ng ating gobyerno,” ani Atienza.