-- Advertisements --
Humiling ng snap parliamentary election ang bagong upong pangulo ng Ukraine.
Sinabi ni Volodymyr Zelensky, na kaniya ng tatanggalin ang parliamentary na inaasahan isasagawa ang halalan sa Oktubre.
Sa kaniyang panunumpa sinabi nito na ang kaniyang prioridad ay ang tapusin ang Russian-backed rebels sa silangang bahagi ng kanilang bansa.
Paglaban pa rin sa kurapsyon ang nangungunang nais nitong ipatupad.
Tinalo ng dating komedyante ang kasalukuyang pangulo na si Petro Poroshenko na namuno mula pa noong 2014.