-- Advertisements --

Pormal ng nanumpa sa kaniyang puwesto si Hakainde Hichilema bilang bagong pangulo ng Zambia.

Dinaluhan ng ilang lider ang panunumpa ni Hichillema gaya nina Tanzania President Samia Suluhu Hassan at Malawi leader Lazarus Chakwera.

Kasamang nanumpa rin sa puwesto si second female Vice President Mutale Nalumango.

Tinalo ni Hichilema si outgoing President Edgar Lungu sa pamamagitan ng landslide na halos 1 milyon na boto.

Ito na ang pang-anim na beses na nakaharap ni Hichilema.

Taong 2017 ng ikinulong si Hichilema ng ilang buwan dahil sa pagtataksil.