-- Advertisements --

May mga bagong panuntunan ang dapat na ipatupad sa mga salons at barber shops bago sila payagang magbukas sa ilalim ng general community quarantine.

Sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, na ang nasabing panuntunan ay para matiyak na nasusunod pa rin ang social distancing at proper hygiene.

Dagdag pa ng kalihim na pinag-dedebatehan na ang nasabing usapin kaya nararapat na mayroong protocol na sundin.

Maaari lamang na mabuksan ang mga salon at barber shop kapag naayos na lahat ang mga protocol na ipapatupad.