Plano ngayon ng gobyerno ng Pilipinas na gumawa ng bagong panuntunan para sa mga dayuhan na nais magtrabaho sa bansa.
Sinabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo, nagdesisyon si Pangulong Rodrigo Duterte na maglabas ng joint memorandum circular noong isagawa ang kanilang Cabinet meeting.
Ang nasabing memorandum ay kaniyang ibibigay sa Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Finance (DOF) , Department of Justice (DOJ), Bureau of Internal Revenue (BIR) , Department of Environment and Natural Resources (DENR) , Professional Regulation Commission (PRC) , Bureau of Immigration (BI) , at National Intelligence Coordinating Agency (NICA).
Sa pamamagitan nito na ang mga dayuhan ay dapat kumuha muna ng alien employment permit, working visa at tax identification number bago payagang makapagtrabaho sa bansa.
Magugunitang nabahala ang maraming mga mambabatas dahil sa pagdami ng mga foreign workers sa bansa.