-- Advertisements --

Ilalabas ngayong araw ng Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Justice (DOJ) at PNP ang bagong panuntunan sa pag-aresto sa lumalabag sa health protocols.

Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Ano na layon nito ay para mayroong panuntunan ang alagad ng batas sa kanilang pag-aresto sa mga violators.

Mula kasi noong Mayo 6 ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-aresto sa mga hindi nagsusuot ng face mask at hindi nagsusuot ay gumawa na ang DOJ ng mga consolidated guidelines.

Sa ginawang address to the nation ni Pangulong Rodrigo Duterte, iniulat ng DILG na tumataas ang bilang ng mga naarestong lumalabag sa ipinapatupad na health protocols.