Pinasinayan ng Valenzuela City Government at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang apat na parke sa nasabing lungsod.
Ang “friendship parks” ay kabilang sa apat na parke na matatagpuan sa Disiplina Village sa Barangay Bignay.
Nasa inisyatibo ito ng MMDA Adopt-A-Park program kung saan layon nitong magkaroon ng green parks kasam ang mga local government units sa Metro Manila.
Ang pagpapasinayan ng nasabing park ay mas maagang isinagawa para sa ika-24 na Cityhood Day ng nasabing lungsod sa darating Pebrero 14.
Mismo ang lungsod ang nagdesenyo ng parke subalit pinondohan at ginawa ito ng MMDA.
Binubo ng playground sets gaya ng swings, slides, obstacle courses at kiddie tracks para sa mga bata ang nasabing parke.
Mayroong lugar din ito para sa mga may edad na na magsasagawa ng ehersisyo at mga covered courts para sa contact sports at ibang mga events.
Umaasa ang Valenzuela LGU na mas lalong magiging malapit na ang mga residente sa isa’t-isa dahil sa nasabing parke.