-- Advertisements --

Hindi pa nakakapagpasya ang Civil Service Commission (CSC) para sa bagong schedule ng susunod na pagsusulit.

Ito’y makaraang masuspinde ang Career Service Examination ngayong taon dahil sa coronavirus disease 2019.

Ayon kay CSC Commissioner Aileen Lizada, pinag-uusapan pa nila sa ngayon ang pagre-restructure ng pen and paper at pag-transition patungong online exam.

Habang kinokonsidera aniya ng komisyon ang pangangailangan sa pagpapalakas ng online exam, isinasangguni rin nila ang pagsasagawa ng test.

Samantala, nilinaw ni Lizada na walang ineendorso ang CSC ng kahit anong review center.

Payo naman ni Lizada, mag-aral lamang nang maigi at huwag papadala sa mga revie center na may alok na mataas na passing rate.