Irerekumenda ng pamunuan ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair kay Speaker Martin Romualdez na ibalangkas ang Bagong Pilipinas Bill ng sa gayon ma-institutionalize ito.
Ayon kay House Deputy Secretary General Mr. Sofonias “Ponyong” Gabonada, ginawa nila ang rekumendasyon dahil sa naging matagumpay ito at milyong mga kababayan natin ang nakinabang sa ibat ibang serbisyo na alok ng gobyerno.
Bukod sa mga serbisyo, nabigyan din ng pinansiyal na tulong ang mga kababayan natin.
Sinabi ni Gabonada na sa sandaling maging ganap na batas ang Bagong Pilipinas Bill magkakaroon na ng Bagaong Pilipinas Serbisyo Tulong Centers sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Dagdag pa ni Gabonada sa nasabing batas masisiguro na magkakaroon ng tamang pondo, magkaroon ng tamang sistema at magkaroon ng tamang implementasyon ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair.
Umaasa si Gabonada na pagbigyan ito ni Pangulong Ferdinand Marcos at ni Speaker Martin Romualdez at ng Kongreso lalo na sa budget allocation ng nasabing mga Serbisyo Center sa bawat probinsiya kungsaan lahat ng ahensiya ay matatagpuan na sa iisang building.