Pormal nang tinanggap ng bagong talagang Western Mindanao Command chief ang marching order mula Kay AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr.
Si Major General Antonio Nafarrete ang tatayong chief ng WESMINCOM matapos ang pagtatalaga ni Gen Brawner.
Si Nafarrete ang pumalit kay Lieutenant General William Gonzales na kakaritero lang sa serbisyo.
Pinangunahan mismo ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff, General Romeo Brawner Jr. ang change of command ceremony na ginanap sa Camp General Navarro sa lungsod ng Zamboanga.
Hinimok rin ni Brawner si Nafarrete na tapusin na ang problema ng bansa laban sa mga lokal na grupo ng mga terorisya na banta sa kapayapaan ng bansa.
Pinasusugpo rin ng heneral sa bagong talagang pinuno na buwagin na at ubusin ang Communist Terrorist Group.
Sa oras na matapos ang problemang ito ay maaari na ngayong tumutok ang AFP sa usapin naman ng teritoryal defense.