-- Advertisements --
image 341

Ibinahagi ni bagong talagang PNP Chief PGEN Benjamin Acorda Jr. ang ilan sa mga programa o objectives ng pambansang pulisya sa ilalim ng kanyang pamunuan.

Ayon pa kay Philippine National Police Chief Acorda, magiging “quick at decisive” raw ang parusa sa mga taong lalabag sa batas lalong lalo na ang mga kasamahan sa pambansang pulisya.

Ito ay kaugnay parin ng isyu tungkol sa mga matataas na opisyal na humaharap ngayon sa imbestigasyon kaugnay ng ilegal na droga.

Binigyang diin niya rin na hindi naman umano mawawala ang nasimulan ng naunang pamunuan tulad na lamang ng laban sa ilegal na droga at mga krimen.

Sinisiguro niya raw na lahat ng proseso ay dadaan sa tamang polisiya at guidelines ng Philippine National Police.

Dagdag pa niya, magiging aggresibo raw ang approach ng kanyang pamunuan sa pagpuksa sa krimen.

Samantala, sa mga operasyon naman raw ng Philippine National Police, sinisiguro ni Chief Acorda, na suportado ang lahat ng galaw ay ito ay maiging masusupervise ng nakakataas.