Ipinagmalaki ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang positibong pagtanggap ng publiko sa polymer bank notes.
Matatandaan na ang P1,000 na una sa serye ng mga bagong salapi ay inilabas noong Abril 2022, ngunit patuloy na binibigyan ng mga pagkilala ang kalidad at ganda nito.
Mahigit sa 40 bansa na rin kasi sa buong mundo ang gumagamit ng polymer banknotes, na nagpapakita ng global trend patungo sa mas matalino, mas malinis, at mas matibay na alternatibo.
Kasunod ng tagumpay sa P1,000 polymer bills, naglunsad na rin ng mga bagong banknote denomination ngayong buwan—na kinabibilangan ng 500-, 100-, at 50-piso notes.
Para sa international observers, nagpapakita ang mga bagong release na pera ng mas matalino, mas malinis, at mas matibay na katangian ng polymer banknotes.
May advanced security features kasi ang polymer banknotes na nakakatulong upang mabawasan ang panganib ng pamemeke.
Mas mababa din ang global warming potential ng bagong bills kumpara sa paper counterpart, ayon sa pag-aaral ng De La Salle University noong 2023.
Ang polymer banknotes ay inaasahang tatagal ng 7.5 taon, kumpara sa 1.5 taon para sa paper banknotes.
Mas kaunti rin ang worn-out polymer banknotes na ibinabalik sa BSP, na nagbabawas sa gastos sa pagpapalit ng mga ito.