Ilalabas na ngayong araw ng Lunes, Disyembre 23 ang limitadong bilang ng mga bagong polymer banknotes.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), nasa 70 mllion hanggang 90 million piraso ang inilaan para sa bawat P500, P100 at P50 polymer banknotes.
Una itong irorolyo sa Greater Manila area saka isusunod na ilalabas sa nalalabing lugar sa ating bansa.
Sa ngayon, maaari pa lang ma-withdraw over-the-counter ang mga bagong polymer banknotes at kalaunan ay magiging available na rin sa automated machines ang P500 at P100 polymer banknotes.
Muling nilinaw naman ng central bank na walang plano para i-phase out ang perang papel sa halip ay patuloy pa rin na ipo-produce ang mga ito.
Ang perang papel at serye ng mga polymer banknotes ay parehong papaikutin sa sirkulasyon para matugunan ang demand para sa suplay ng pera.