BUTUAN CITY – Umani ng positibong reaksyon hindi lang dito sa Pilipinas kundi pati na sa ibang nasud, ang pagpapalabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP ng First Philippine Polymer o FPP banknote series na may apat na denominasyon kasama na dito ang P500, P100 at P50, na may smarter, cleaner at stronger features,
Sa eksklusibong pakighinabi sa Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Bombo international correspondent Denmark Suede, direkta mula sa Sydney, Australia, na sa Reserve Bank of Australia at sa kanilang subsidiary Note Printing Australia nakipagsundo ang Bangko Sentral ng Pilipinas para sa produksyon sa nasabing mga polymer banknotes dahil ang Australia, ang syang unang bansa na gumamit ng kanitong uri ng pera.
Sa pamamagitan umano ng mga polymer banknotes, ma-iiwasan na ang forgery dahil sa dami ng mga security features nito.
Hindi lamang umano ang Pilipinas ang nagpapagawa ng ganitong banknotes sa Australia dahil may iba pang 19 na mga bansang nagpapagawa din nito.