-- Advertisements --

Panibagong eleksyon ang nakikita ni former Bolivian president Carlos Mesa bilang solusyon sa political crisis ng kinakaharap ng bansa.

Nagsimula ang protesta sa Bolivia matapos ianunsyo ng mga otoridad ang pagka-panalo ni leftist president Evo Morales sa katatapos lamang na botohan.

“The best solution to this crisis is a new election,” saad ni Mesa.

Ayon pa sa dating presidente, magpapatuloy ang kaniyang mga taga-suporta sa kanilang isinasagawang peaceful protest hanggang tuluyan nang magkaroon ng solusyon sa naturang krisis.

Nagkasagupa ang mga supporters nina Morales at Mesa pagkatapos ng eleksyon kung saan dalawa ang naitalang patay.

Pinamunuan ni Mesa ang Bolivia noong 2003 hanggang 2005 habang si Morales naman ay 14 taon nang namumuno sa naturang bansa.