-- Advertisements --
Handa na si Yoshihide Suga sa unang araw ng kaniyang pag-upo bilang bagong prime minister ng Japan.
Determinado aniya ito na pagbutihin ang kaniyang trabaho para sa mamamayan ng Japan.
Kasabay nito ay inilatag ni Suga ang kaniyang mga plano para sa mas maayos na pamamalakad sa bansa. Ayon kay Suga, ipagpapatuloy nito ang naumpisahan ng gobyerno ni Abe Shinzo.
Maalala na bumaba si Shinzo sa pagiging prime minister ng bansa dahil sa iniinda nitong karamdaman.
Nais din ni Suga na mas pagandahin pa ang ekonomiya ng Japan kasabay ng ginagawa nitong pagkontrol sa coronavirus pandemic.
Inihayag din nito ang balak niya para sa bansa sa oras na matapos ang krisis. Gusto raw nito na mas paigtingin pa ang digitalization ng online world.