-- Advertisements --
Tiniyak ng bagong Prime Minister ng Japan na si Yoshihide Suga na suportado niya ang gaganaping Tokyo Olympics sa 2021.
Ayon kay Yoshiro Mori, ang namumuno ng local organizing committee at dating prime minister, ibinigay ni Suga ang katiyakan nitong pagsuporta sa Olympics kay International Olympic Committee President Thomas Bach.
Maging ang dalawang bagong talagang ministers na si Education Minister Koichi Hagiuda at Olympic Minister Seiko Hashimoto ay nagpahayag ng buong suporta sa Tokyo Olympics.
Magugunitang kinansela ang Tokyo Olympics ngayong taon dahil sa coronavirus pandemic at ito ay gaganapin na lamang sa Hulyo 23, 2021.