-- Advertisements --

Bumubuo ng mga bagong protocols ang PNP para sa pakikitungo ng mga pulis sa publiko sa gitna ng banta ng COVID-19.

Ayon kay acting PNP spokesperson, Director for Police Community Relations Maj. Gen. Benigno Durana, sa kabila ng mga pag-iingat laban sa coronavirus, kailangan pa ring may “service delivery continuity” ang PNP.

Paliwanag ni Durana, kahit may umiiral na abiso ang DOH na umiwas ang publiko sa mga matataong lugar, hindi naman pwedeng gawin ito ng mga pulis dahil sa trabaho nilang bantayan ang publiko.

Kaya gumagawa na aniya sila ng mga bagong guidelines para sa mga pulis upang maiwasan ang posibleng “exposure” sa COVID-19 virus nang hindi gaanong maapektuhan ang kanilang paghahatid ng serbisyo.

Ayon kay Durana, kaya nga hindi nila “ini-encourage” ang “no-face mask no entry” sa mga himpilan ng pulis ay dahil ayaw nilang maalarma ang publiko at para na rin hindi magkaroon ng “panic-buying” ng mga face masks.

Pansamantala aniya ay ipinatutupad nila ang “no contact policy” at “pag-maintain” ng isang metrong distansya ng mga pulis sa mga matataong lugar para sa kanilang proteksyon.