-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Itinalaga ni North Cotabato Governor Nancy Catamco bilang bagong Provincial Administrator (PA) epektibo Hulyo 16, 2020 si dating Magpet Mayor Efren F. Piñol.

Ang announcement ay inihayag ni Governor Catamco sa isinagawang Management Committee Meeting kasama ang department and division heads, na ginanap sa Provincial Governor’s Office, Amas, Kidapawan City.

Sa kanyang tugon, pinasalamatan ni Pinol ang gobernadora sa pagbibigay sa kanya ng oportunidad na makapagsilbi sa kanyang administrasyon, at tiniyak nito sa management team na bilang PA makikinig ito at kokunsultahin ang mga division chiefs sa mga bagay may kinalaman sa paghahatid serbisyo sa publiko, gayundin ang pagiging transparent sa lahat ng transaksyon.

Nagpahayag din ng pasasalamat si Governor Catamco sa outgoing Provoncoal Administrator na si Nicholas Marasigan para sa kanyang suporta at mga nagawa sa pagsisilbi sa provincial government ng Cotabato.