-- Advertisements --

Magtatayo ang lungsod ng Caloocan ng panibagong quarantine facility.

Sinabi ni Mayor Oscar Malapitan, itatayo ang ito sa Tala Elementary School sa North Caloocan.

Mayroong 192-bed facility ang nasabing paaralan.

Kumpleto ang magiging pasilidad nito gaya ng libreng WiFi connection, mayroong ibibigay din na bitamina at pagkain.

Patuloy aniyang tumataas ang kaso ng COVID-19 sa lugar dahil sa pinaigting testing at contact tracing efforts.

Sa ngayong ay umaabot na sa mahigit 5,000 na kumpirmadong kaso na mayroong halos 4,000 na recoveries at halos 200 ang nasawi.