-- Advertisements --

Binuksan na ng Paranaque City Government ang ikalawang quarantine facility para sa mga pasyente na nadadapuan ng coronavirus.

Ayon kay Mayor Edwin Olivarez na mayroong 84 na kuwarto.

Matatagpuan ang mga container vans na kinonvert sa isolation room sa Barangay San
Dionisio na mayroong apat na nursing stations.

Kumpleto aniya ang pasilidad ng nasabing isolation room at maging hindi residente doon ay puwedeng iaccomodate ng nasabing isolation facility.