-- Advertisements --
BRP Conrado Yap
BRP Conrado Yap/ Photo courtesy of Philippine Navy

Dumating na sa Pilipinas ang sinasabing pinakamalakas na Philippine Navy warship matapos ang isinagawang pag-refurbish nito sa Jonhae naval base sa South Korea.

Nakatakdang bigyan ng arrival honors sa Navy Headquarters ng Martes ng alas-2:00 ng hapon ang BRP Conrado Yap na isang anti-submarine vessel.

Ang BRP Conrado Yap ay pinamumunuan ni Navy Capt. Marco Buena, na may halos 100 opisyal at mga tripulante.

Sumailaim sa 13 linggong operational at warfare training ang nasabing mga Navy personnel ng PS-39 na dating Pohang-class corvette.

Ang nasabing warship ay isang anti-air warfare, anti-surface at anti-submarine warfare, ayon kay Lt. Cdr. Maria Cristina Roxas, acting director ng Naval Public Affairs Office.

Kasabay na dadaong sa Pier 13 ng BRP Conrado Yap ang BRP Davao del Sur (LD-602), na lumahok sa isinagawang Russian navy day sa Vladivostok noong buwan ng Hulyo bago naglayag patungo sa South Korea.

Samantala, ayon naman kay RAdm. Giovanni Carlo Bacordo, commander ng Philippine Fleet, ang PS39 ang itinuturing ngayon na “most powerful surface combatant” ng Navy dahil sa taglay nitong mga kapabilidad.

Giit ni Bacordo, “very timely” ang pagdating ng BRP Conrado Yap dahil madagdagan na ang anti-submarine warfare capabilities ng Philippine Navy.

Una nang dumating ang bagong bili na dalawang Augusta Westland 159s na isang anti-submarine helicopter.

Sa ngayon pinag-uusapan na ng pamunuan ng Philippine Navy kung paano ang magiging deployment ng PS-39.

“Right now, it is the most powerful, she is the most powerful surface combatant of the Navy because she has two 76 mm Oto Melara, she also has two 40 mm Otobreda guns, anti-aircraft guns, and she has anti-surface, anti-submarine, and anti-air warfare capabilities, kaya siya ang pinaka potent, tapos she is equipped with two gas turbines for speed,” pahayag ni Bacordo.