-- Advertisements --
Umabot na sa mahigit 2.5 million ang mga nagpa-rehistrong botante para sa 2025 Midterm Elections.
Ito ay mula sa local election offices, satellite registration centers at “Register Anywhere Program” stations sa buong bansa.
Dahil dito, malapit ng maabot ng komisyon ang target na tatlong milyon na mga bagong botante.
Nangunguna pa rin ang Calabarzon sa pinakamaring nagpa-rehistro na umabot sa mahigit 466-K. Sinundan ito ng Metro Manila na mayroong higit 378-K habang pumangatlo naman ang Central Luzon na may higit 295-K.
Magtatapos ang registration period sa September 30, 2024.