-- Advertisements --

arevalo2
AFP spokesperson B/Gen. Arevalo

Welcome sa pamunuan ng Sandatahang lakas ng Pilipinas ang naging pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address tungkol sa bagong retirement benefits para sa mga bagng AFP recruits at officer candidates.

Ayon kay AFP spokesperson M/Gen. Edgard Arevalo na ang bagong sistema na isinusulong ng Pangulo ang solusyon sa problema sa pension at retirement scheme ng AFP na kinukuha sa defense budget.

“We welcome that pronouncement, and thank the presidente and Commander-in-Chief, directing the institution of a new retirement and separation benefits system for new AFP recruits and officer candidates,” mensahe ni Arevalo.

Sa kasalukuyang sistema, malaking bahagi ng budget ng AFP ang napupunta sa pensyon ng mga retiradong sundalo dahil kasabay ng pagtaas ng sahod ng mga aktibong sundalo ang tinatanggap nilang pensyon.

Bukod dito ay hindi nag-co-contribute ang mga aktibong sundalo sa isang pensyon fund tulad ng mga regular na empleyado ng gobyerno.

“That will address the concerns of the present pension and retirement pay of the AFP which is taken from the defense budget,” dagdag pa ni Arevalo.

Una nang nagbabala ang Dept of Budget and Management (DBM) na kung magpapatuloy ang kasalukuyang sistema, mas malaki pa ang gagastusin ng AFP sa mga retiradong sundalo kaysa sa ipinapasahod sa mga nasa aktibong serbisyo sa mga susunod na taon.