-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Matindi umano ang kumpiyansa ng Japanese coach na si Munehiro Kugiyama sa Pinoy Olympian na si Carlos Yulo na makakabalik pa rin sa Olympics Lalo na sa 2024 Paris Games.

Ipinagmalaki nito na sa bago umanong routine sa floor exercise, nagpawatig ang coach sa diskarte ni Yulo na ngayon pa lamang ay mahirap daw ma-perfect.

Kung maalala una nang nakasungkit ng gold medal si Yulo sa world gymnastic championships sa vault at medalyang pilak naman sa parallel bar.

Binaliwala rin ni Yulo ang injury sa kanyang daliri upang muling magwagi sa kanyang paboritong floor exercise at vault apparatus events sa ginanap na 55th All-Japan Seniors Championship kamakailan.

Sa pahayag naman ni Yulo naniniwala siyang kung ano iniensayo ngayon ay ‘yon ang lalabas.

Ang pagkampeon ni Yulo ay bahagi ng kanyang paghahanda sa world championship sa susunod na buwan sa Liverpool, England.