-- Advertisements --
Inaprubahan ng mga mambabatas sa Russia ang pagtatalaga ni President Vladimir Putin kay Mikhail Mishustin bilang prime minister.
Nakakuha ng 383 na boto si Mishustin 24 oras matapos na i-nominate siya ni Putin.
Inaasahan na ang pagpili kay Mishustin dahil sa pagsuporta na rin sa kaniya ng mga ka-partido sa United Russia.
Magugunitang bumaba sa kaniyang puwesto si Prime Minister Dmitry Medvedev at kaniyang gobyerno bilang bahagi ng pagbabago sa gobyerno ni Putin.