-- Advertisements --

Magbubukas ng karagdagang ruta ngayong buwan ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Ang mga naturang ruta ay kinabibilangan ng koneksyon mula Metro Manila papuntang Dagupan at San Carlos City, Pangasinan. Ito ay inaasahang masisimulan sa June 13.

Bubuksan din ang isa pang ruta mula Manila papuntang Tuguegarao City sa June 14.

Ang mga bagong ruta ay inaasahang magpapabilis sa access ng mga pasahero mula probinsya patungong Metro Manila at vice versa.

Ayon kay PITX spokesman Jason Salvador, kapag nabuksan na ito, inaasahang higit pa sa 150 million na foot traffic ang maitatala bago matapos ang buwan ng Hunyo.

Mula kasi noong binuksan ang pinakamalaking terminal exchange sa NCR noong 2019 ay nakapag rehistro na ito ng hanggang sa 146 million na foot traffic.