LEGAZPI CITY – Pinaplantsa na ng mga concerned agencies ng pamahalaan ang mga hakbang at plano para sa nalalapit na pagbubukas ng Bicol International Airport sa darating na buwan ng Okubre 2021.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Legazpi City Councilor Al Barizo, nagkaroon na ng pag-uusap ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) kasama ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at iba pang opisyales ng gobyerno para sa bagong ruta ng mga sasakyan mula sa BIA.
Kaugnay nito, iminungkahi naman ng LTFRB na bumuo ng technical working group upang repasuhin ang mga detalye o guidelines sa mga papayagang behikulo at ruta.
Sa ngayon ayon kay Barizo ay pinaplano na ang mga papayagang ruta na papasok sa lungsod ng Legazpi.
Samantala, oras na pormal ng magbukas ang Bicol International Airport isasara na ang domestic terminal.